Makitid na nga ba talaga ang isipan ni Maria't Juan pagdating sa pag-ibig?
Ibang-iba na talaga ang isipan ng kabataan ngayon kumpara nung araw.
Sa mundo nang mga binatilyo't dalaga, hindi maiiwasan magkaroon ng "crush," o yung tinatawag na may pagtingin (tama ba?). Nung araw sa tao wala yun! Kumbaga, kapag sinabi ni Juan na may pagtingin siya ka Maria, hindi iniisip ni Maria na gusto siyang ligawan ni Juan. May pagtingin lamang si Juan kay Maria dahil sa magandang siyang katangian. Sa madaling salita, iniidolo ni Juan si Maria; darating sila sa puntong magkakagustuhan sila sa tagal nang panahong magkasama sila. Malawak pareho ang kanilang isipan
Ngunit sa panahon ngayon, lalo na't sa liga naming mga kabataan, kapag sinabi nang lalaki na may pagtingin siya sa babae, iisipin kaagad nang babae na may balak siyang ligawan nung lalaki.
Naging biktima na ako nang ganyang pangyayari. Hayaan ninyo akong gagamitin ko ang aking sarili na isang halimbawa. Nagkaroon ako ng pagtingin sa isang babae sa campus namin, bago ko pa siya maging kaibigan. So, nagkakilala kami at naging magkaibigan. Makalipas ang ilang buwan ng, ika nga, "pagkakaibigan" namin nung babae, nabuking niya ako! Nabuking niya ako na may pagtingin ako sa kanya. Dahil dun, hindi niya ako pinsan ng tuluy-tuloy na dalawa't kalahating buwan.
Lumipas ang pasko't bagong taon (kailan lamang), ako'y muling nilapitan ni babae. Nagtaka ako kung bakit, pero hindi ko na inalam kung bakit. Sa isip-isip ko nung mga oras na yun, "siguro naintindihan na niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig."
To cut the long story short (sabi nga ng mga kano), Pinagnilayan niya ang mga nangyari, at inintindi, dahil alam niyang may rason kung bakit nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya...
...Kinakailangan lang talaga na malawak ang ating pagiisip sa mga ganitong bagay, lalo na sa ganitong sitwasyon. Mahirap na kapag nagkamali. Ipakita natin na ang isipan ng kabataan sa kasalukuyan ay hindi makitid. Huwag tayong gumaya sa mga "kano."
*Sana, kahit papaano, maintindihan ninyo ang gusto kong ipahiwatig.
Magandang araw sa inyong lahat!
~Miguel Luis Sarmiento~
